Pacencia

Sana sa tuwing kakain ka ng pacencia biscuit ay literal na madadagdagan ang pasensya mo. Parang si Pacman (sa video game at hindi si Pacquiao ha) lang tuwing kumakain siya ng power pellets. Kung ganun malamang ay nagstock na ko sa bahay ng biskwit na iyan at araw araw kong babaunin sa trabaho.

Balik kuracha na naman kasi ang inyong lingkod. Ang destinasyon isang branch sa probinsya na di naman kalayuan at isang branch sa siyudad. Salitan ang tema. May araw na kasama sa mobile at mga kumpanya naman ang pinupuntahan.

Kung bakit ko nasabi na kailangan ko ng sandamukal na pasensya ay dahil sa war freak, walang urbanidad na pasyenteng nakabangga ko mga dalawang linggo na ang nakakaraan.

Maaga akong pumasok sa clinic sa may siyudad. At dahil alam ko ng notorious ang mga tao dun, keri lang. Sila yung mga tipong dapat binibigyan ng psych test bago maka-avail ng health card. May isang pasyente ng naghihintay. Binuksan ko ang speedy bagal naming computer para macheck ang status ng card. Biglang dumating ang 2 pasaway na pasyente. Magjowa sila, parehong babae. Nakaharap ako sa computer, naghihintay sa ubod ng bagal na system namin ng biglang nagsalita si Tibo. “Anong oras ba magstart ang Laboratory?” Sinagot ko siya, “Ako po yung medtech, chinecheck ko lang po ang status ng card at magsisimula na ko.” Take note : Hindi si Tibo ang patient #1, pangalawa pa siya.

Bigla na siyang naglitanya ng kung anu-ano. “Mabuti na yung malinaw, baka alas diyes na eh andito pa kami. Buti ikaw, nakakain na, kami gutom na gutom na. Di ko alam kung ano ang pinipindot-pindot mo diyan eh. Dati naman pagdating namin diretso na, inaasikaso kami agad.” Nagulantang ang madlang pipol sa mga pinagsasabi nya. Wala namang ginagawa sa kanya, at wala pang limang minutong umiinit ang pwet nya sa upuan para mainip siya ng ganun. Hindi ko siya pinansin, tuloy parin ang pagpapaalmusal niya sa akin ng sigaw. Eh bakit ba nagfefesbuk ako eh. JOKE! Walang fesbuk dun sa branch na yun. Ngalngal parin siya ng ngalngal. Nginitian ko lang siya habang nagtatype ako.

Iniwan ko siya sa reception dahil dumating na ang medical secretary. Tinawag ko na ang patient #1 para kunan ng dugo. Apekted si Sir sa mga pangyayari. “Ano ba naman yun, ang aga aga ang ingay. Wala pa siyang 15 mins na naghihintay. Dun siya sa ospital kung gusto niya mabilis.” Sabi ko na lang kay Sir “Sanay na kami sa ganyan, pag sa ospital nga po mas matatagalan pa siya eh. Hayaan na lang natin, masama siyang magutom eh.”

Dumating na si Tibo sa lab. Tahimik na siya, parang nasaniban lang. Naipaliwanag na sa kanya yung proseso at hindi ko pa rin alam kung ano ang ikinagalit niya. Walang tanong tanong at kinuhaan ko na siya agad ng dugo. Pasalamat siya at di ko siya kinatay.

Kailangan talaga ng sandamukal na pasensya sa trabahong ito. Kahit gusto ko ng patulan iniisip ko na lang walang patutunguhan at iniintindi ko na lang na maysakit sila kaya sila iritable. Pero sana lang naiintindihan din nila na tao lang kami no, kung minsan bad trip kayo at masama ang gising malamang samin nangyayari rin yun. Kaya nga kayo tinawag na patient eh diba diba diba!!!

*Ang larawan ay galing sa Google.

Posted on November 13, 2011, in Uncategorized. Bookmark the permalink. 7 Comments.

  1. Ano tol, sabihin mo lang uupakan ko na tibong yan, ke ganda ganda mo inaaway ka 😛

  2. sarap gilitan nung tibo

  3. Buti mahaba ang pasensya mo. Kung sana nakakain na lang din ang pasensya at masarap para lalong humaba ang pasensya. ANU DAW?!

  4. bakit nga ba pasencia ang tawag sa pasencia?

  5. sana isang galon na dugo ang kinuha mo.. wahahhahaaaa

  6. Anong akala niya sa lab niyo? JOLLIBEE? kahit nga sa JOLLIBEE pipila ka pa eh, ano pa kaya sa laboratoryo.

    p.s.

    Pacencia na sa hindi ko pagdaan dito – ako ay alipin ng trabaho. Boooo! Alis tayo nila JV minsan.

Leave a comment