Ang Mahiwagang A…..(Singapura Part 1)

May katagalan na itong kwento kong ito, pasensya na may nakasalubong kasi akong Dementor sa lansangan. Pasensya na i-google nyo na lang di na ako marunong maglink kinalawang na WP skills ko hehe.

Kaya ayun na nga, nagpunta ako ng Singapura upang bisitahin si Pong Pagong. Doon na kasi siya naninirahan, nakakuha siya ng trabaho doon. Kasama ko si Mader na nagpunta. Bertdei treat ni Pong sa aming dalawa.

Bilang unang beses kong makakalabas ng bansa, wala akong kaalam-alam sa pasikot-sikot sa airport at kung ano ang gagawin. Si Mader kahit nakalabas na siya ng bansa di na niya matandaan ang proseso. Kaya’t
in short muntik na kaming magwarlaloo sa airport. Kasi tanong siya ng tanong sa akin eh hindi ko naman alam ang gagawin haha.

Pagdating namin sa Singapura, oh wow, kay ganda. Parang ayoko ng bumalik ng Pilipinas kong mahal hehe. Siyempre sandamakmak na piktyuran ang naganap. Kahit wala na si Didi nakicamera na lang ako sa kanila hehe. Tinuruan ko si Pong ng tamang pagpose at kung ano ang sasabihin sa camera. Hindi na uso yung “say cheese” Para ano pa’t mowdel ako haha. Ngayon ang letrang “A” ang bibigkasin mo paghaharap ka na sa camera. Pahahabain mo ng konti parang ganito “eeeeeeeey”. Ganito ang itsura mo…

Madami pa kong ikukwento tungkol sa pagpunta ko sa Singapura, masyado kasing mahaba at nakalimutan ko na ang iba pa hehe.

Pero may kwento pa kong isa na tiyak na magugustuhan nyo hehe. Walang koneksyon sa Singapura. Pero may konek sa karir ko bilang mowdel haha. Nabanggit ko naman na rumarampa ko para sa isang magazine. Tulong sa isang kaibigan. May konting binibigay naman kahit papaano makakabili na ko ng running shoes hehe. Eto ang ikinagulat ko hehe…

Oo wala ako sa cover pero yan yung magazine, andito ako sa loob hehe…

Oo na, maliit yan kung tutuusin kaya nga mas ikinatuwa ko eto…

Pak na pak, solo pa ang inyong lingkod hehe. Pasensya na malabo ang pagkuha ko basta siguro naman namukhaan nyo ko kahit papano. Osha sha padilla, next time ulit ang kwento at atat na si Mader mageefbee daw siya hehe. Sana napasaya ko kayo, kumusta na kayo mga kaibigan? Huwaw parang ang daming nagbabasa ah hehe.

Advertisements

Posted on October 20, 2011, in Uncategorized. Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. Wagi! Sana nagpasakop ka ng na ng buong page. Hahaha :p

    Gusto ko ren makarating ng Singapore. Yung officemate ko kakabalik lang kanina galing don. Ingget me much.

  2. naks.

    nakita kita sa isang magasin… biglang nagplay sa utak ko.

    wala ba kaming pasalubong?

  3. Napabigkas talaga ako ng ‘eeeeeeeey’. Mukhang tanga ako sa opis!

    Waw, may model akong kaibigan. Pa-autograph!

  4. Idol talaga kita, sana pogi din ako katulad mo.. idol pa autograp naman : )

  5. Madami pa kong ikukwento tungkol sa pagpunta ko sa Singapura, masyado kasing mahaba at nakalimutan ko na ang iba pa hehe. — oo, pati ako nakalimutan mo. tse.

  6. Sensitib naman, babalik ako, at tiyak di na kita makakalimutan Prinsesa Grasa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: