Monthly Archives: June 2011

Star witness

Lunes na Lunes, wala lang hehe. Excited akong pumasok hindi ko alam kung bakit. Malamang dahil sa nagdaang weekend. Umuwi kasi si Pong Pagong (kung naaalala nyo pa, siya yung bunso kong kapatid) bakasyon lang, apat na araw. May mga inasikasong papeles. Wala kaming ginawa kungdi kumain at magbonding. Magkwentuhan ng mga plano at kung anu-ano pa.

Kung gaano kaganda ang gising at pakiramdam ko. Siya namang nag-iba ito pagsakay ko ng dyip. Ang hirap kasing makasakay lalo na at Lunes pa. Ewan ko ba kung anong meron pag Lunes. Bumibiyahe na ang dyip, ng may biglang sumakay na dalawang mama. Nagtaka ako kung bakit sila nagsiksikan sa upuan malapit sa babaan, eh ang luwag kaya sa bandang likod ng drayber. May kutob na akong baka may masamang balak ang dalawa. Hindi nga ako nagkamali. Kaharap ko kasi sila, tinabihan nila ang isang babae. Babae na masasabi kong may pagkaeng-eng. Kasi hindi niya hawak ang bagelya niya. Kumbaga, nakabuyangyang lang sa hita niya. Ayun na! Ayun na ang kinatatakutan ko! Ang ayaw mawitness ng kahit na sinong nilalang!!!

Dinudukutan lang naman ang babae sa harapan ko! Inaykupo! Kabado me much! Nakita ko kasi ang mga pangyayari at napatingin ako sa dalawang kumag na hindi mukhang mandurukot kasi naka-polo at maayos ang porma. OMG!!! Sa tingin ko ramdam na ni Ate na dinudukutan siya, nagpatay malisya na lang kasi di niya rin alam ang maaaring gawin ng mga kumag.

Kinakabahan na ako kasi hindi pa bumababa yung dalawang mokong. Nang pumara ang isang pasahero lalo akong kinabahan kasi nagbabaan na silang lahat pero yung dalawang mokong hindi pa. Kahit hindi ko pa panahon para bumaba. Napababa ako ng walang sa oras dahil baka ako ang biktimahin nila. Oh dear life!!! Ayoko ng maging star witness kasi diba yun ang unang pinapatay? Star na lang, pwede?!!!

***

At dahil gusto kong maging star. Eto na ang ilang piktyurs sa nakaraang event, para maging star din ako sa puso nyo. Hihi arte lang!

Gusto ko sanang icover ang feslak ni boylet na partner ko pero sayang naman ang kagwapuhan niya. Hindi naman ako madamot kaya share ko sa inyo ng konti hehe.

Advertisements

Super Panalo

Pasensya na mga kapatid, medyo BB (busyng-busy) gandanghari lang nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba, kahit ako naguguluhan na sa mga pinaggagagawa ko. Pero okay naman, masaya naman ako sa mga nangyayari.

Nasabi ko bang panay raket ang hinahanap ko nitong mga nakaraang araw. Nakakuha naman ako. Isa na akong walking tindahan. Nagbebente ng e-load haha. Maliit ang kita pero kahit papaano merong kinikita. Salamat kay Eoty kaya kung gusto nyo rin sa kanya na lang kayo magtanong.

Rumampa rin ako sa isang mall nitong weekend. Saka ko na ikukwento yun wala pang mga piktyur eh. Basta masaya siya, isang event ng kaibigan ko na nagtatrabaho sa isang magazine. Sports wear ang sinuot namin.

Bukod sa pagrampa nung weekend, siyempre sinuportahan ako ng aking mga kaibigan. Kaya pagkatapos ng event ay nagdinner at walang katapusang kwentuhan kami. Kagagaling lang kasi sa break up ng isa naming kaibigan kaya kailangan ng suporta.

Matagal na rin kasi sila ng jowa niya. Mag aapat na taon na kaya lahat kami nagulat sa mga pangyayari. Kakacelebrate lang namin ng birthday niya nung March kasama pa si boyfriend at ngayon matapos ang tatlong buwan, cheverluloo na ang naganap.

Gawain ko kasi na pag ayos naman ang mga boyfriend ng kaibigan ko. Yung tipong mabait, kaya kang buhayin, may itsura at marunong makisama ay nilalagay ko sila sa pedestal. Kasi nga tingin ko wala ng magiging problema. Pangalawa na siya sa nilagay ko sa pedestal pero sabi ng aking mga friendships wag ko na daw uulitin. Kasi nauudlot haha. May curse ata ang paglagay ko sa pedestal.

Umulan ng super panalo kowts ng gabing iyon. Ang mga ito ay galing kay gurlaloo na kagagaling lang sa break up :

-Akala ko may namatay sa buhay ko.
-Sana naging siraulo na lang siya para hindi masyadong masakit.

Nabaling sa akin ang atensyon ng mga friendship. “E ikaw SSF, may dinedate ka ba ngayon?” Sumagot ako ng super panalo rin :
“Tama na, ayoko na. Pagod na ako”

Wahaha! Ingat kayo mga teh at mga koya! Sa susunod na lang ang iba ko pang mga kwento. 🙂

Happiness buksan mo

Magpapakairma daldal muna ako sa ngayon. Ang dami ko kasing gustong ikwento sa inyo. Madaming mga nangyari sa aking bonggang life hehe. Pero saka na lang ako magkukwento pinapakiramdaman ko pa itong bagong bahay ko eh. Naninibago kasi ako. Irma daldal daw oh. Eh pinatakam mo lang sila haha.

Basta masaya ako sa ngayon yun lang 🙂 at sana kayo rin. Namiss ko kayo. Pasensya na hindi pa updated ang blogroll ko at hindi pa ko nakakapasyal sa mga bahay nyo. Abangan nyo na lang ang palagalag ko sa inyong mga tirahan, phone number, signature at wag kalimutan ang suking tindahan. Lakipan ng proof of purchase para siguradong pasok sa raffle haha.

//

Babangon ako’t dudurugin kita…

Ola chika! Nagbabalik na ang inyong lingkod. Eh kilala nyo pa ba ako? At namiss nyo ba naman ako? Wala hindi ko alam kung bakit sinuspend ni Pareng WP ang site ko. Siguro kasi mas sikat pa daw ako sa kanya, naknampocha! Kung saan-saan lang ako nagsuot eh nahawa na ko ng kayabangan, tsk, tsk, tsk, negative vibes, ayaw ko niyan.

Wala akong maisip na title ng bagong bahay ko, kaya yan lang ang naisip ko. Uulan ng pang-eeksena, pang-eechos at ewan ko pang mga kabalbalan ko sa bagong bahay na ito. Pero wag kayong mag-alala, mabait pa rin naman ako. Lalagyan ko lang ng konting anghang kasi mahirap pala pag masyado kang mabait. Aabusuhin ang kabaitan mo, tatapak-tapakan kang parang trapo. Ha! Hala! Hala may pinaghuhugutan haha, hindi naman ganun pa rin ako ang dati nyong nakilalang dropdead gorgeous na lingkod, na minsang napagkakamalang lalaki, bakla, tomboy, dinosaur, giraffe, kawayan, at kung anu-ano pa. Ako’y nagbabalik para pagandahin muli ang araw nyo.

//