Salbe says

Eskyusmepooo, usapang puso na naman ito.

Sabi ko dati, di ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Sa hindi sigurado, hindi pa handa. Pero ano ako ngayon. Kinain ko mga sinabi ko. Humingi ka ng isa pang chance, naks parang John Lloyd at Bea lang ah. At dahil mahal (tanga ako) kita, tinanggap naman kita ulit.

Maayos naman tayo nung una. Masaya, magkasundo. Laging magkasama, magkausap. In short, okay talaga tayo. Sabi pa natin, pwede naman palang ganito eh bakit nagpakagulo-gulo pa tayong dalawa. Sabi mo ako na ang gusto mong makasama pagtanda mo, ako rin naman.

Pero sa isang iglap, singbilis ng utot. Nagbago ang lahat. Di ko alam ang nangyari. Nawala na ko sa plano mo, hindi ka na tumatawag, nagpaparamdam. Wala ka ng panahon para sa akin. Lagi kang busy. At sa tema ng mga kwento mo, gusto mo munang mapag-isa. Hindi naman ako bato, kailangan ko lang maliwanagan kung ano ba talagang meron. Pero wala akong nakuhang sagot. Ang tangi mong nasabi, hindi mo kayang pagasabayin ang trabaho at ako. Anak ka ng teteng, saang lupalop mo nakuha ang sagot na iyan. Wala naman akong dinedemand sayo. Ang gusto ko lang, magparamdam ka kung papasok ka na or nakauwi ka na. Yun lang, mahirap bang ibigay yun?

Kung may nakita kang iba, edi panindigan mo. Sabihin mo ng diretso. Eh anong magagawa ko kung ayaw mo na diba. Ang gusto ko lang malinaw. Hindi yun nandito lang ako sa isang tabi hindi alam kung saan lulugar. Ika nga ni Salbe, “Walang gamot sa tanga kungdi pagkukusa.” Ay ewan ko basta ang alam ko, nakalimutan kong maganda pala ako. Yun lang.

At dahil nabanggit ko na rin si Salbe, nagkita na rin kami sa wakas kasama si Vajee. Nakakatuwa silang dalawa parang matagal ko na silang kakilala at magagaan kasama. Yun lang, mag-ingat sa mga baon nilang tanong dahil sinisigurado ko sayong gugustuhin mo na lang bumuka ang lupa at lamunin ka kesa sumagot sa mga tanong nila. Sayang lang at wala kaming picture tatlo kasi ayaw nilang magpapicture kasama ko hehe. Joke!!! Pero sa uulitin ha, basta natuwa ako ng gabing iyon, salamat sa inyong dalawa.

Advertisements

Posted on October 30, 2011, in Uncategorized. Bookmark the permalink. 7 Comments.

  1. I can relate sa kwento mo, alam mo yan!

    Napapangiti pa din ako sa tunay mong pangalan, Gincie! Hindi yata ako dun makaka-getover!

    Ayaw namin kasama magpa-picture sa iyo dahil ang tangkad mo, ang ganda mo, ang payat payat mo, nakakainis ka!

    Lahat ng paragraph ko nagtapos sa “!”.

  2. May nag agrabyado ba sayo tol? sabihin mo lang babalatuhan ko este babatukan pala…

  3. Parang naniniwala na ko na iniiyakan mo paren yan pag gabe kahit naka ilang tanggi ka na. Hihihihi.

  4. ateeeeee! wow nagkita na kayo 🙂

  1. Pingback: Day 18 « Photoseko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: