Pacencia

Sana sa tuwing kakain ka ng pacencia biscuit ay literal na madadagdagan ang pasensya mo. Parang si Pacman (sa video game at hindi si Pacquiao ha) lang tuwing kumakain siya ng power pellets. Kung ganun malamang ay nagstock na ko sa bahay ng biskwit na iyan at araw araw kong babaunin sa trabaho.

Balik kuracha na naman kasi ang inyong lingkod. Ang destinasyon isang branch sa probinsya na di naman kalayuan at isang branch sa siyudad. Salitan ang tema. May araw na kasama sa mobile at mga kumpanya naman ang pinupuntahan.

Kung bakit ko nasabi na kailangan ko ng sandamukal na pasensya ay dahil sa war freak, walang urbanidad na pasyenteng nakabangga ko mga dalawang linggo na ang nakakaraan.

Maaga akong pumasok sa clinic sa may siyudad. At dahil alam ko ng notorious ang mga tao dun, keri lang. Sila yung mga tipong dapat binibigyan ng psych test bago maka-avail ng health card. May isang pasyente ng naghihintay. Binuksan ko ang speedy bagal naming computer para macheck ang status ng card. Biglang dumating ang 2 pasaway na pasyente. Magjowa sila, parehong babae. Nakaharap ako sa computer, naghihintay sa ubod ng bagal na system namin ng biglang nagsalita si Tibo. “Anong oras ba magstart ang Laboratory?” Sinagot ko siya, “Ako po yung medtech, chinecheck ko lang po ang status ng card at magsisimula na ko.” Take note : Hindi si Tibo ang patient #1, pangalawa pa siya.

Bigla na siyang naglitanya ng kung anu-ano. “Mabuti na yung malinaw, baka alas diyes na eh andito pa kami. Buti ikaw, nakakain na, kami gutom na gutom na. Di ko alam kung ano ang pinipindot-pindot mo diyan eh. Dati naman pagdating namin diretso na, inaasikaso kami agad.” Nagulantang ang madlang pipol sa mga pinagsasabi nya. Wala namang ginagawa sa kanya, at wala pang limang minutong umiinit ang pwet nya sa upuan para mainip siya ng ganun. Hindi ko siya pinansin, tuloy parin ang pagpapaalmusal niya sa akin ng sigaw. Eh bakit ba nagfefesbuk ako eh. JOKE! Walang fesbuk dun sa branch na yun. Ngalngal parin siya ng ngalngal. Nginitian ko lang siya habang nagtatype ako.

Iniwan ko siya sa reception dahil dumating na ang medical secretary. Tinawag ko na ang patient #1 para kunan ng dugo. Apekted si Sir sa mga pangyayari. “Ano ba naman yun, ang aga aga ang ingay. Wala pa siyang 15 mins na naghihintay. Dun siya sa ospital kung gusto niya mabilis.” Sabi ko na lang kay Sir “Sanay na kami sa ganyan, pag sa ospital nga po mas matatagalan pa siya eh. Hayaan na lang natin, masama siyang magutom eh.”

Dumating na si Tibo sa lab. Tahimik na siya, parang nasaniban lang. Naipaliwanag na sa kanya yung proseso at hindi ko pa rin alam kung ano ang ikinagalit niya. Walang tanong tanong at kinuhaan ko na siya agad ng dugo. Pasalamat siya at di ko siya kinatay.

Kailangan talaga ng sandamukal na pasensya sa trabahong ito. Kahit gusto ko ng patulan iniisip ko na lang walang patutunguhan at iniintindi ko na lang na maysakit sila kaya sila iritable. Pero sana lang naiintindihan din nila na tao lang kami no, kung minsan bad trip kayo at masama ang gising malamang samin nangyayari rin yun. Kaya nga kayo tinawag na patient eh diba diba diba!!!

*Ang larawan ay galing sa Google.

Salbe says

Eskyusmepooo, usapang puso na naman ito.

Sabi ko dati, di ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Sa hindi sigurado, hindi pa handa. Pero ano ako ngayon. Kinain ko mga sinabi ko. Humingi ka ng isa pang chance, naks parang John Lloyd at Bea lang ah. At dahil mahal (tanga ako) kita, tinanggap naman kita ulit.

Maayos naman tayo nung una. Masaya, magkasundo. Laging magkasama, magkausap. In short, okay talaga tayo. Sabi pa natin, pwede naman palang ganito eh bakit nagpakagulo-gulo pa tayong dalawa. Sabi mo ako na ang gusto mong makasama pagtanda mo, ako rin naman.

Pero sa isang iglap, singbilis ng utot. Nagbago ang lahat. Di ko alam ang nangyari. Nawala na ko sa plano mo, hindi ka na tumatawag, nagpaparamdam. Wala ka ng panahon para sa akin. Lagi kang busy. At sa tema ng mga kwento mo, gusto mo munang mapag-isa. Hindi naman ako bato, kailangan ko lang maliwanagan kung ano ba talagang meron. Pero wala akong nakuhang sagot. Ang tangi mong nasabi, hindi mo kayang pagasabayin ang trabaho at ako. Anak ka ng teteng, saang lupalop mo nakuha ang sagot na iyan. Wala naman akong dinedemand sayo. Ang gusto ko lang, magparamdam ka kung papasok ka na or nakauwi ka na. Yun lang, mahirap bang ibigay yun?

Kung may nakita kang iba, edi panindigan mo. Sabihin mo ng diretso. Eh anong magagawa ko kung ayaw mo na diba. Ang gusto ko lang malinaw. Hindi yun nandito lang ako sa isang tabi hindi alam kung saan lulugar. Ika nga ni Salbe, “Walang gamot sa tanga kungdi pagkukusa.” Ay ewan ko basta ang alam ko, nakalimutan kong maganda pala ako. Yun lang.

At dahil nabanggit ko na rin si Salbe, nagkita na rin kami sa wakas kasama si Vajee. Nakakatuwa silang dalawa parang matagal ko na silang kakilala at magagaan kasama. Yun lang, mag-ingat sa mga baon nilang tanong dahil sinisigurado ko sayong gugustuhin mo na lang bumuka ang lupa at lamunin ka kesa sumagot sa mga tanong nila. Sayang lang at wala kaming picture tatlo kasi ayaw nilang magpapicture kasama ko hehe. Joke!!! Pero sa uulitin ha, basta natuwa ako ng gabing iyon, salamat sa inyong dalawa.

Ang Mahiwagang A…..(Singapura Part 1)

May katagalan na itong kwento kong ito, pasensya na may nakasalubong kasi akong Dementor sa lansangan. Pasensya na i-google nyo na lang di na ako marunong maglink kinalawang na WP skills ko hehe.

Kaya ayun na nga, nagpunta ako ng Singapura upang bisitahin si Pong Pagong. Doon na kasi siya naninirahan, nakakuha siya ng trabaho doon. Kasama ko si Mader na nagpunta. Bertdei treat ni Pong sa aming dalawa.

Bilang unang beses kong makakalabas ng bansa, wala akong kaalam-alam sa pasikot-sikot sa airport at kung ano ang gagawin. Si Mader kahit nakalabas na siya ng bansa di na niya matandaan ang proseso. Kaya’t
in short muntik na kaming magwarlaloo sa airport. Kasi tanong siya ng tanong sa akin eh hindi ko naman alam ang gagawin haha.

Pagdating namin sa Singapura, oh wow, kay ganda. Parang ayoko ng bumalik ng Pilipinas kong mahal hehe. Siyempre sandamakmak na piktyuran ang naganap. Kahit wala na si Didi nakicamera na lang ako sa kanila hehe. Tinuruan ko si Pong ng tamang pagpose at kung ano ang sasabihin sa camera. Hindi na uso yung “say cheese” Para ano pa’t mowdel ako haha. Ngayon ang letrang “A” ang bibigkasin mo paghaharap ka na sa camera. Pahahabain mo ng konti parang ganito “eeeeeeeey”. Ganito ang itsura mo…

Madami pa kong ikukwento tungkol sa pagpunta ko sa Singapura, masyado kasing mahaba at nakalimutan ko na ang iba pa hehe.

Pero may kwento pa kong isa na tiyak na magugustuhan nyo hehe. Walang koneksyon sa Singapura. Pero may konek sa karir ko bilang mowdel haha. Nabanggit ko naman na rumarampa ko para sa isang magazine. Tulong sa isang kaibigan. May konting binibigay naman kahit papaano makakabili na ko ng running shoes hehe. Eto ang ikinagulat ko hehe…

Oo wala ako sa cover pero yan yung magazine, andito ako sa loob hehe…

Oo na, maliit yan kung tutuusin kaya nga mas ikinatuwa ko eto…

Pak na pak, solo pa ang inyong lingkod hehe. Pasensya na malabo ang pagkuha ko basta siguro naman namukhaan nyo ko kahit papano. Osha sha padilla, next time ulit ang kwento at atat na si Mader mageefbee daw siya hehe. Sana napasaya ko kayo, kumusta na kayo mga kaibigan? Huwaw parang ang daming nagbabasa ah hehe.

ASAP rocks Malaysia


Malay mo, malay ko, malay nating lahat. Malaysia! Wala akong balak irepresent ang Malaysia sa Miss Universe 2012 at lalong hindi sa Malaysia ang piktyur na nasa itaas.

Wala lang kaming magawa ng aking fab friends kaya sinubukan namin ang cruise sa Manila Bay. May kasama ng dinner buffet. Feeling namin ay sosyalan ang okasyon dahil cruise-cruisan ito. Kaya mega bonggalulei ang aming mga get up.

Anong sinabi ng mga taga-ASAP sa bihis namin, yun lang para kaming mga artista dahil ang mga kasabay namin ay mga naka-shorts at pantalon lang. In short simple lang ang suot nila at hindi pinaghandaan ang cruise-cruisang magaganap.

Hindi kagandahan ang ambiance dun, maganda lang sa piktyur. At ang pagkain ay simple lang din, walang wapak factor na ikasisiya ng bulate mo sa tiyan. Wala lang napagtripan lang naming icelebrate ang 1st year anniversary ng aming fab friendship. At ng dahil diyan, may mga mumunti kaming regalo sa isa’t-isa. Taghirap ang buhay ngayon kaya halagang fifty pesos lang ang bawat regalo. Di bale its the utot that counts.



Iikot ang ewan ko kung yate ba ang tawag dun sa may bandang Hotel Sofitel at makakarating ng MOA. Sakto sa oras ng fumafireworks na kalangitan nito.

Masaya ang experience, hindi alintana ang umaalingasaw na amoy ng dagat. At kung makakakuha ng pagkakataon para magpose ng bongga, que me bayad o wala, siyempre gow gow gowra aketch…

Hindi man ako galing ng Malaysia pero galing ako ng Singapura, sa susunod ko na lang ikukwento ang pagkakalat ko ng lagim doon. I thank you, bow.

humihinga pa

Haller, haller mga teh at mga koyah. Pasensya na at inaagiw na ang tahanan ko. Napakarami kong pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang buwan. Tuloy pa rin yung kawanggawa kong pagraket para sa isang sports magazine. Nakakatuwa lang, iba kasi siya sa trabaho ko. Ibang field kumbaga at siyempre kakaiba rin ang mga tao. Dun ka makakakita ng mga costume este pananamit na sa tv mo lang nakikita hehe. Nabiktima nga ako dahil sila ang namimili ng imomodel naming mga kasuotan…

Kalurkey diba, hot pink at violet susme. Wala akong magagawa eh kaya yun.

Pasensya na ha, tagal kong hindi nakapagkwento sa inyo. Hihi ay meganon. Basta ang daming mga pangyayari sa aking life, lovelife. Ano daw? hihi saka na ko magkukwento. Ang importante, alam nyong humihinga pa ako. 🙂

Praktis lang

Bored ako dito sa Maynila kaya naisipan kong pumunta ng Boracay. Chuchal!!! Kahit may bagyo wala akong pakialam. Basta gusto kong mamasyal, mangitim kung may iiitim pa ko at kumain ng sangkatutak hehe.

Nakamit ko naman ang mga gusto kong mangyari. Naglagalag sa dagat ng tatlong araw. Nagpakabusog sa kabi-kabilang kainan. At nangitim ng tunay.

Kakalakad sa dalampasigan. May nakaagaw sa aking pansin. Ang mga naglalakihang katawan ng mga kalalakihan, joke!!! Ang walang kamatayang henna tattoo. Matagal ko ng gustong magpalagay ng tattoo. Sa katunayan, may design na nga ako. Yung isa Arabic script at yung isa disenyo na gawa ni Jec. Kaya naisipan kong ipalagay ang ginawa ni Jec bilang praktis lang. Para kung saka-sakaling magkalakas na ko ng loob at mapag-isipan ko na ng mabuti ay maipalagay ko na. Madami kasi akong isinasaalang-alang, anu daw?! haha

Eto ang disensyo ni Jec…

Pasensya na Jec si Manong kasi pinakialaman ang design mo. Ginawang stars lahat pati yung mga bilog.

Ayos na sana, kaso may umaaagaw eksena. Ang aking buhok, pumaPatrick Garcia! Buset!

MVP

Hi mga teh at mga koya. Pasensiya na talaga, napadami kong ginagawa nitong mga nakaraang araw. Well ako na, ako na ang in demand wehehe.

Nagkaroon kasi ng first ever sportsfest ang aming kumpanya. Ewan ko ba kung ano ang nakain ng kataas-taasang hukuman at nagpasportsfest. Well bet na bet ko naman ang mga ganitong pangyayari kasi masaya at masasight kong muli ang mga taong nakakausap ko lang sa telepono. Masisilayan ko na ang kanilang mga feslak dibey! Havey na havey!

Bonggalulei ang mga games. Nagpalista ako sa basketball haha. Matagal na kong di nakakalaro, tingnan ko lang kung gumagana pa ang pulso ko hehe. Nalurkey lang akez sa team leader namin. Eto ang chikahan nang nagkita kami ni TL :

SSF : Good morning Doc!
TL : Ay, ikaw talaga, ikaw talaga dapat ang muse ko (sabay turo sa akin)
SSF : Nyek, ano ba Doc.

Hindi ko kasi alam na may muse pala ang bawat team. Yun ang unang laban. Showdown ng mga muse. Potah di ko keri yung ganun, may talent portion. Lumabas na ang muse ng team ko, Red team. Infairview, marunong sumayaw si Ate at keri nya mag-isa. Yun lang K-pop yung sinayaw niya kaya di namin masyadong nagets. Pagkatapos niyang sumayaw. May mga lumapit sa akin at sinabing “Gurl, ikaw na lang dapat ang nagmuse!!!” Weh, hayaan nyo na it’s her time to shine ang sabi ko. Joke lang no, nagsmile lang ako hehe.

Ako na, ako na ang MVP. Most vugvog player. Sa dami ng sinalihan ko at pinilit akong isali. Pasa all over ang natanggap ko.

Kabowg na Pasabowg

Hello mga teh at mga koya. Kumusta naman kayo? Ang sakit ng katawan ko, parang nagbuhat ng adobe o di kaya sampung sako ng semento. Napagod sa kakabali ng katawan ko dahil sumabak na naman ako sa isang photoshoot. Para sa mga nagsasabing madali ang maging model. Diyan kayo nagkakamali, mahirap, nakakapagod pero masaya. Pinagaaralan din ang mga pose, mahirap mag-isip kung paano mo palalabasin ang mga hukay sa clavicle mo. Paumbukin ang labi mo na parang nakagat ng putakte. Ipakitang mahaba ang mga biyas mo kahit hindi naman.

Bakit nga ba kabowg na pasabowg? Tignan nyo na lang…

Hindi ko pa pinapakita kina Mader at Fader. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin nila pero alam kong sila ang Presidente at Bise Presidente ng fans club ko haha.

***
Matapos kong isulat ito. May natanggap akong text mula kay Mader. “Anak, alisin mo na yung nude pic sa fb. Di namin gusto ni Daddy.” So ayun na nga, isa akong masunuring anak. Ok payn, pero para sakin wala namang masama dun sa piktyur, artistic ang pagkakagawa. Hindi malaswa o kung anuman. Oh well, nabibilang ako sa isang konserbatibong pamilya, wala akong magagawa 🙂

Star witness

Lunes na Lunes, wala lang hehe. Excited akong pumasok hindi ko alam kung bakit. Malamang dahil sa nagdaang weekend. Umuwi kasi si Pong Pagong (kung naaalala nyo pa, siya yung bunso kong kapatid) bakasyon lang, apat na araw. May mga inasikasong papeles. Wala kaming ginawa kungdi kumain at magbonding. Magkwentuhan ng mga plano at kung anu-ano pa.

Kung gaano kaganda ang gising at pakiramdam ko. Siya namang nag-iba ito pagsakay ko ng dyip. Ang hirap kasing makasakay lalo na at Lunes pa. Ewan ko ba kung anong meron pag Lunes. Bumibiyahe na ang dyip, ng may biglang sumakay na dalawang mama. Nagtaka ako kung bakit sila nagsiksikan sa upuan malapit sa babaan, eh ang luwag kaya sa bandang likod ng drayber. May kutob na akong baka may masamang balak ang dalawa. Hindi nga ako nagkamali. Kaharap ko kasi sila, tinabihan nila ang isang babae. Babae na masasabi kong may pagkaeng-eng. Kasi hindi niya hawak ang bagelya niya. Kumbaga, nakabuyangyang lang sa hita niya. Ayun na! Ayun na ang kinatatakutan ko! Ang ayaw mawitness ng kahit na sinong nilalang!!!

Dinudukutan lang naman ang babae sa harapan ko! Inaykupo! Kabado me much! Nakita ko kasi ang mga pangyayari at napatingin ako sa dalawang kumag na hindi mukhang mandurukot kasi naka-polo at maayos ang porma. OMG!!! Sa tingin ko ramdam na ni Ate na dinudukutan siya, nagpatay malisya na lang kasi di niya rin alam ang maaaring gawin ng mga kumag.

Kinakabahan na ako kasi hindi pa bumababa yung dalawang mokong. Nang pumara ang isang pasahero lalo akong kinabahan kasi nagbabaan na silang lahat pero yung dalawang mokong hindi pa. Kahit hindi ko pa panahon para bumaba. Napababa ako ng walang sa oras dahil baka ako ang biktimahin nila. Oh dear life!!! Ayoko ng maging star witness kasi diba yun ang unang pinapatay? Star na lang, pwede?!!!

***

At dahil gusto kong maging star. Eto na ang ilang piktyurs sa nakaraang event, para maging star din ako sa puso nyo. Hihi arte lang!

Gusto ko sanang icover ang feslak ni boylet na partner ko pero sayang naman ang kagwapuhan niya. Hindi naman ako madamot kaya share ko sa inyo ng konti hehe.

Super Panalo

Pasensya na mga kapatid, medyo BB (busyng-busy) gandanghari lang nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba, kahit ako naguguluhan na sa mga pinaggagagawa ko. Pero okay naman, masaya naman ako sa mga nangyayari.

Nasabi ko bang panay raket ang hinahanap ko nitong mga nakaraang araw. Nakakuha naman ako. Isa na akong walking tindahan. Nagbebente ng e-load haha. Maliit ang kita pero kahit papaano merong kinikita. Salamat kay Eoty kaya kung gusto nyo rin sa kanya na lang kayo magtanong.

Rumampa rin ako sa isang mall nitong weekend. Saka ko na ikukwento yun wala pang mga piktyur eh. Basta masaya siya, isang event ng kaibigan ko na nagtatrabaho sa isang magazine. Sports wear ang sinuot namin.

Bukod sa pagrampa nung weekend, siyempre sinuportahan ako ng aking mga kaibigan. Kaya pagkatapos ng event ay nagdinner at walang katapusang kwentuhan kami. Kagagaling lang kasi sa break up ng isa naming kaibigan kaya kailangan ng suporta.

Matagal na rin kasi sila ng jowa niya. Mag aapat na taon na kaya lahat kami nagulat sa mga pangyayari. Kakacelebrate lang namin ng birthday niya nung March kasama pa si boyfriend at ngayon matapos ang tatlong buwan, cheverluloo na ang naganap.

Gawain ko kasi na pag ayos naman ang mga boyfriend ng kaibigan ko. Yung tipong mabait, kaya kang buhayin, may itsura at marunong makisama ay nilalagay ko sila sa pedestal. Kasi nga tingin ko wala ng magiging problema. Pangalawa na siya sa nilagay ko sa pedestal pero sabi ng aking mga friendships wag ko na daw uulitin. Kasi nauudlot haha. May curse ata ang paglagay ko sa pedestal.

Umulan ng super panalo kowts ng gabing iyon. Ang mga ito ay galing kay gurlaloo na kagagaling lang sa break up :

-Akala ko may namatay sa buhay ko.
-Sana naging siraulo na lang siya para hindi masyadong masakit.

Nabaling sa akin ang atensyon ng mga friendship. “E ikaw SSF, may dinedate ka ba ngayon?” Sumagot ako ng super panalo rin :
“Tama na, ayoko na. Pagod na ako”

Wahaha! Ingat kayo mga teh at mga koya! Sa susunod na lang ang iba ko pang mga kwento. 🙂