Praktis lang

Bored ako dito sa Maynila kaya naisipan kong pumunta ng Boracay. Chuchal!!! Kahit may bagyo wala akong pakialam. Basta gusto kong mamasyal, mangitim kung may iiitim pa ko at kumain ng sangkatutak hehe.

Nakamit ko naman ang mga gusto kong mangyari. Naglagalag sa dagat ng tatlong araw. Nagpakabusog sa kabi-kabilang kainan. At nangitim ng tunay.

Kakalakad sa dalampasigan. May nakaagaw sa aking pansin. Ang mga naglalakihang katawan ng mga kalalakihan, joke!!! Ang walang kamatayang henna tattoo. Matagal ko ng gustong magpalagay ng tattoo. Sa katunayan, may design na nga ako. Yung isa Arabic script at yung isa disenyo na gawa ni Jec. Kaya naisipan kong ipalagay ang ginawa ni Jec bilang praktis lang. Para kung saka-sakaling magkalakas na ko ng loob at mapag-isipan ko na ng mabuti ay maipalagay ko na. Madami kasi akong isinasaalang-alang, anu daw?! haha

Eto ang disensyo ni Jec…

Pasensya na Jec si Manong kasi pinakialaman ang design mo. Ginawang stars lahat pati yung mga bilog.

Ayos na sana, kaso may umaaagaw eksena. Ang aking buhok, pumaPatrick Garcia! Buset!

Advertisements

Posted on July 30, 2011, in Uncategorized. Bookmark the permalink. 5 Comments.

  1. in fairness, maganda yung disenyo. susyal, pagbored nagbobora lang. kainggit!!!

  2. Ikaw na ang bored kaya pumunta sa Boracay. Argh!

    Magaling talaga si Jec! Kahit pala tattoo pinapatos.

  3. wow hanep, no comment he..he.. joke only

  4. nyahahahah! hi patrick!

  5. baket ngayon ko lang ‘to nakita? hahahahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: