Star witness

Lunes na Lunes, wala lang hehe. Excited akong pumasok hindi ko alam kung bakit. Malamang dahil sa nagdaang weekend. Umuwi kasi si Pong Pagong (kung naaalala nyo pa, siya yung bunso kong kapatid) bakasyon lang, apat na araw. May mga inasikasong papeles. Wala kaming ginawa kungdi kumain at magbonding. Magkwentuhan ng mga plano at kung anu-ano pa.

Kung gaano kaganda ang gising at pakiramdam ko. Siya namang nag-iba ito pagsakay ko ng dyip. Ang hirap kasing makasakay lalo na at Lunes pa. Ewan ko ba kung anong meron pag Lunes. Bumibiyahe na ang dyip, ng may biglang sumakay na dalawang mama. Nagtaka ako kung bakit sila nagsiksikan sa upuan malapit sa babaan, eh ang luwag kaya sa bandang likod ng drayber. May kutob na akong baka may masamang balak ang dalawa. Hindi nga ako nagkamali. Kaharap ko kasi sila, tinabihan nila ang isang babae. Babae na masasabi kong may pagkaeng-eng. Kasi hindi niya hawak ang bagelya niya. Kumbaga, nakabuyangyang lang sa hita niya. Ayun na! Ayun na ang kinatatakutan ko! Ang ayaw mawitness ng kahit na sinong nilalang!!!

Dinudukutan lang naman ang babae sa harapan ko! Inaykupo! Kabado me much! Nakita ko kasi ang mga pangyayari at napatingin ako sa dalawang kumag na hindi mukhang mandurukot kasi naka-polo at maayos ang porma. OMG!!! Sa tingin ko ramdam na ni Ate na dinudukutan siya, nagpatay malisya na lang kasi di niya rin alam ang maaaring gawin ng mga kumag.

Kinakabahan na ako kasi hindi pa bumababa yung dalawang mokong. Nang pumara ang isang pasahero lalo akong kinabahan kasi nagbabaan na silang lahat pero yung dalawang mokong hindi pa. Kahit hindi ko pa panahon para bumaba. Napababa ako ng walang sa oras dahil baka ako ang biktimahin nila. Oh dear life!!! Ayoko ng maging star witness kasi diba yun ang unang pinapatay? Star na lang, pwede?!!!

***

At dahil gusto kong maging star. Eto na ang ilang piktyurs sa nakaraang event, para maging star din ako sa puso nyo. Hihi arte lang!

Gusto ko sanang icover ang feslak ni boylet na partner ko pero sayang naman ang kagwapuhan niya. Hindi naman ako madamot kaya share ko sa inyo ng konti hehe.

Advertisements

Posted on June 27, 2011, in Uncategorized. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. Pa-authograph na nga Sunny*fish. Ikaw na!

    Kawawa naman ‘yong babae na ‘yon.

    Ilang beses na rin akong nakasaksi at nakaranas ng ganyan, tanga daw ako eh. Lol

  2. Ang payat mo shet! Okay dun muna ako sa babaeng shushunga shunga. ang dami kong nawi-witness na ganyan sa MRT. Magsisiksikan tapos mawawalan na ng kung wallet o cellphone. At naka polo din ang mga nagnenenok. Ang payat mo shet!

  3. buti bumaba ka. akala ko papairalin mo ang kakuriputan mo. LOLOLOL

  4. hindi ko pa naranasang madukutan pero lagi kong iniisip pag may napapadikit sa ‘kin sa MRT eh dinudukutan ako. jusko, tamang hinala lang.

    model na model 🙂 ang gwapong nilalang nung kapartner mo ^^

  5. DYOSA.

    REYNA.

    EMPERATRIS

    PRINSESA.

    ALAKDANA.

    IKAW NA! LAHAT!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: