Super Panalo

Pasensya na mga kapatid, medyo BB (busyng-busy) gandanghari lang nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba, kahit ako naguguluhan na sa mga pinaggagagawa ko. Pero okay naman, masaya naman ako sa mga nangyayari.

Nasabi ko bang panay raket ang hinahanap ko nitong mga nakaraang araw. Nakakuha naman ako. Isa na akong walking tindahan. Nagbebente ng e-load haha. Maliit ang kita pero kahit papaano merong kinikita. Salamat kay Eoty kaya kung gusto nyo rin sa kanya na lang kayo magtanong.

Rumampa rin ako sa isang mall nitong weekend. Saka ko na ikukwento yun wala pang mga piktyur eh. Basta masaya siya, isang event ng kaibigan ko na nagtatrabaho sa isang magazine. Sports wear ang sinuot namin.

Bukod sa pagrampa nung weekend, siyempre sinuportahan ako ng aking mga kaibigan. Kaya pagkatapos ng event ay nagdinner at walang katapusang kwentuhan kami. Kagagaling lang kasi sa break up ng isa naming kaibigan kaya kailangan ng suporta.

Matagal na rin kasi sila ng jowa niya. Mag aapat na taon na kaya lahat kami nagulat sa mga pangyayari. Kakacelebrate lang namin ng birthday niya nung March kasama pa si boyfriend at ngayon matapos ang tatlong buwan, cheverluloo na ang naganap.

Gawain ko kasi na pag ayos naman ang mga boyfriend ng kaibigan ko. Yung tipong mabait, kaya kang buhayin, may itsura at marunong makisama ay nilalagay ko sila sa pedestal. Kasi nga tingin ko wala ng magiging problema. Pangalawa na siya sa nilagay ko sa pedestal pero sabi ng aking mga friendships wag ko na daw uulitin. Kasi nauudlot haha. May curse ata ang paglagay ko sa pedestal.

Umulan ng super panalo kowts ng gabing iyon. Ang mga ito ay galing kay gurlaloo na kagagaling lang sa break up :

-Akala ko may namatay sa buhay ko.
-Sana naging siraulo na lang siya para hindi masyadong masakit.

Nabaling sa akin ang atensyon ng mga friendship. “E ikaw SSF, may dinedate ka ba ngayon?” Sumagot ako ng super panalo rin :
“Tama na, ayoko na. Pagod na ako”

Wahaha! Ingat kayo mga teh at mga koya! Sa susunod na lang ang iba ko pang mga kwento. πŸ™‚

Advertisements

Posted on June 21, 2011, in Uncategorized. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. dapat tiinanong ng mga friendship mo kung lalake ba o babae dinadate mo .. peace πŸ™‚

  2. ayos, meron na kong mauutangan ng load! woohoo!

  3. Ang taray ng sagot mo ate! hahaha.

    Sana makahanap pa tayo ng panibagong raket! ^_^ Raket lang ng raket! πŸ˜€ Salamat nga pala sa pagtitiwala ate πŸ˜€

  4. sports wear? e anong sports mo? PIKO? PATINTERO? e di naka-puruntong at sandong butas ka lang rumampa?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: